About Us > Mission Vision
Pangarap at Misyon ng Paaralan
Kami na bumubuo ng Saint Joseph Parochial School of Cavite ay nangangarap na maging isang maunlad na Katolikong paaralan at pamayanang natututo na may pagkakaisa, pag-ibig sa Diyos at kapwa, paggalang sa kalikasan at naglilingkod sa sangkatauhan.
Taglay ang maalab na pananampalataya sa Panginoon, disiplina, kababaang-loob at pagkakawanggawa, kaming mga Josephian ay nagtatalaga ng aming sarili sa tuloytuloy at napapanahong Kristiyanong Edukasyon na huhubog sa pangkalahatang 19 pag-unlad ng bawat indibidwal, sa inspirasyon at gabay ni San Jose na aming patron.
Ang aming mga nagsipagtapos ay:
1. May pagmamahal at takot sa Diyos.
2. Aktibo at masigasig sa simbahan.
3. May malasakit sa kalikasan at sa kapwa.
4. Mapagnilay at mapanuri sa pag-iisip.
5. May matibay at matuwid na paninindigan.
6. Responsable at tapat sa tungkulin.
7. May disiplina at tiwala sa sariling kakayahan.
8. Nagpapakita ng paggalang at kasanayan sa pakikipagtalastasan.
9. Maalab sa pakikitungo at payak sa buhay.
10. Tapat at tumatanaw ng utang na loob sa Alma Mater.
Our graduates shall be